Pulis todas sa Barangay Chairman

CAMP VICENTE LIM, Calamba – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng isang brgy. captain sa harap ng kumpare ng biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malainem Luma, Naic, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si SPO1 Nemencio Diño ng Mobile Police Group sa Cavite.

Samantala, tinutugis naman ng pinagsanib na puwersa ng Naic PNP at Regional Investigation and Intelligence Division (RIID) ang suspek na si Cresencio Sarmiento ng Brgy. Malainem Luma ng naturang lugar.

Naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa harap ng bahay ng suspek sa nasabing brgy.

Bago naganap ang pangyayari ay nagkaron ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa matagal nang alitan na may kaugnayan sa kanilang pamilya.

Kaagad namang pumasok ng bahay ang suspek at nang ito ay lumabas ay bitbit na ang M-16 bago ratratin ang biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments