Ayon sa ulat ni P/Supt. Raul Castañeda, DILG-SOG Jericho chief, kay interior and Local Government Secretary Joey Lina, unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bolahan ng jueteng ng isang alyas Ngo-Ngo sa Barangay Dolores, San Fernando City, Pampanga.
Nadakip ang may 24 jueteng personnel ni Ngo-ngo at nakumpiska sa mga ito ang halagang P4,270 bet collections bukod sa ibat ibang jueteng paraphernalias.
Sumunod na sinalakay naman ng mga tauhan ng SOG Jericho sa pamumuno naman ni Chief Inspector Francisco Santiago ang bolahan ng jueteng sa barangay Tabang, Giguinto, Bulacan bandang alas-10:45 ng umaga.
Inabutan ng mga awtoridad sa aktong nagbobola ng jueteng ang may 15 gambling personnel at nakumpiska ang halagang P4,230 at mga jueteng paraphernalias. (Ulat ni Rudy Andal)