Ayon sa ulat mula sa Naval Forces South (NAVFORSOUTH), dakong alas 3:05 ng hapon ng mamataan ng mga tauhan ng Phil. Navy ang isang bangkang-de-motor na may tatak na M/L Katrina II na nakatigil sa naturang karagatan dahil sa nasiraan ito.
Nilapitan umano ng patrol gunboat 393 ang nabanggit na motor boat na may pitong pahinante at nadiskubreng may lulan na mga sako ng asukal mula sa nasabing bansa.
May teorya ang mga tauhan ng Phil. Navy na naghihintay lamang ng kasabwat na mangingisdang may bangka ang kinalululanan ng puslit na asukal upang ihatid sa kalapit na isla upang pansamantalang doon itago bago ipagbili.
Sa kasalukayan ang nasabing motor boat ay hinila sa Majini Pier sa naturang lalawigan upang imbestigahan ng Bureau of Custom. (Ulat ni Roel Pareño)