Sinabi ni Antonio Peñaloza ng National Museum na sila ang dapat na may karapatang mangasiwa sa lumubog na barko at ang mga tauhan ng Coast Guard lamang ang mamahala sa kapaligiran ng karagatan upang magbantay sa sinumang nagtatangkang kumuha ng mga laman ng nabanggit na barko.
Kinondena rin nina Archeologist Cecil Bernardo at Eduardo Kunoco ng Far Eastern Foundation for Nautical Archeology ang ginawang pangha-harass ng mga Coast Guard sa kanila dahil hindi sila pinapayagang magsagawa ng diving operation sa naturang karagatan.
Nabatid na maraming mga artifacts ang kasalukuyang nasisisra dahil na rin sa kapabayaan ng mga tauhan ng Coast Guard na sila mismo ang nagsasagawa ng diving operation ng walang pahintulot sa pamunuan ng National Museum.(Ulat ni Erickson Lovino)