Base sa report sa Camp Aguinaldo, dakong ala-6:00 ng umaga ng maganap ang unang insidente ng pang-aagaw ng mga ballot boxes na naglalaman ng binibilang na mga boto sa Brgy. Gocotan, Pikit ng nasabing lalawigan.
Mabilis na nagresponde ang mga elemento ng 401st Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Obaob at narekober ang 26 ballot boxes na itinago ng mga suspek sa mosque ng Brgy. Bulod.
Pasado alas-5 ng hapon ng marekober naman ang anim pang ballot boxes na may markang Gocotan 52-A, 52A3, 52A1 at 51-A1 sa Manuel Quezon St., Poblacion, Pikit. (Ulat ni Joy Cantos)