50 flying voters nasakote

ORANI, Bataan — Limampu katao na pinaniniwalaang mga flying voters mula sa lalawigan ng Marinduque at Bicol ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang boboto kahapon ng umaga sa Brgy. Puksuan, bayang ito.

Hindi kaagad nabatid ang mga pangalan ng mga hinihinalang flying voters sakay ng tatlong pampasaherong dyip na boboto sana kay mayoralty bet Benjie Serrano.

Dakong alas-2 ng hapon nang mamataan ang mga suspek na papasok ng nasabing presinto nang sitahin ng mga watchers ng dalawang political party. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments