Sa isinagawang rally ng iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mahihirap na magsasaka, mga estudyante at mangingisda at iba pang non-government organizations (NGOs) sa harap ng kapitolyo, pinagbibitiw sa puwesto si Lazaro bilang gobernador ng Laguna dahil sa pagkansela sa mga scholars ni dating gobernador at ngayo’y DILG Secretary Jose Lina Jr., iba pang mga anomalyang kinasasangkutan nito tulad ng illegal conversion ng mga patubigang sakahan at illegal na pagpapatayo ng ospital sa mataong lugar sa bayan ng Sta. Rosa, Laguna na labag sa zoning ordinance ng pamahalaang bayan ng Sta. Rosa.
Sinabi pa ng mga nagra-rally na sobra na umano sa P52,162,451.62 ang ginastos ni Lazaro sa pondo. (Ulat ni Ed Amoroso)