Ito ang ulat na nakarating sa kampo ni Revilla na kung saan ang magsasagawa ng paglikida ay ang grupo ng Kuratong Baleleng.
Matapos makarating sa pamilya Revilla ang intelligence report hinggil sa gagawing paglikida dito, magkakasunod nang nakatatanggap ng tawag sa telepono ang mga kasambahay nito.
Ayon kay Aling Ching, isa sa mga katulong ng pamilya Revilla, dakong ika-7 ng gabi nang sagutin nito ang telepono at magsalita ang nasa kabilang linya ng "Hindi na aabutin ng halalan ang amo mong Balimbing."
Bukod kay Aling Ching, nakatanggap din ng tawag ang ilang security guard sa bahay ng mag-asawang Bong at Lani Revilla na hahagisan umano ng granada ang gate ng bahay ng mga Revilla.
"Hudyat daw nila yon kapag hinagisan ng granada ang gate, pagkatapos, ang pagtumba naman kina sir at mam ang isusunod nila," pahayag naman ng isa sa mga sekyung nakasagot sa telepono.
"Kung ang sandalan nila ay bala at baril, kami dito ay panalangin at pananalig sa Poong Maykapal, naniniwala ako at ang aking pamilya na ang masama nilang balakin laban sa akin at sa aking pamilya ay hindi papayagan ng Diyos," ani Governor Revilla. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)