Kinilala ng pulisya ang nadakip na most wanted sa naturang rehiyon na si Joseph Palayon, miyembro ng kilabot na Bonnet Gang na may operasyong highway robbery/hold-up sa lalawigan ng Cagayan Valley at Eastern Cordillera.
Nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan na ang isa ay nakilala lamang sa alyas Mel.
Dahil sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad sa pinagkukutaan ni Palayon ay kaagad na humingi sa Regional Trial Court ng Quirino Province ng warrant of arrest bago sumalakay sa naturang lugar.
Nabatid na si Palayon ay may mga nakabinbing pang kasong murder at frustrated murder na iniuugnay sa pagkakapatay kay SPO1 Johnny Puguon noong 1999. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)