3 mag-utol nasakote sa drug bust

BACOOR, Cavite – Tatlong mag-utol na pawang mga kilalang drug pushers ang nasakote ng mga kagawad ng Bacoor PNP sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Daang Bukid ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Bernie, 39; Joecon, 18 at Egie Lapina na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Isinagawa ang drug bust operation dakong alas 8 ng gabi kamakalawa makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang mag-uutol ay nagbebenta ng droga sa kanilang lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang hindi nabatid na gramo ng shabu na ipinadala na sa Camp Crame upang suriin. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments