Driver ng mayoral bet natagpuang patay

GUINOBATAN, Albay – Isang 34-anyos na driver ng isang kandidato ang natagpuang patay sa loob ng comfort room ng Republic College sa Barangay Iraya sa bayan na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ely Orbillo, may asawa at driver ni Christopher "Tope" Flores na tumatakbong mayor sa ilalim ng partido LAKAS-NUCD.

Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-7:00 ng umaga na nakahandusay sa loob ng comfort room ng naturang paaralan.

Ang bangkay ng biktima ay kaagad dinala ng mga awtoridad sa Nuestra Señora De Salvacion at isasailalim sa awtopsiya ang bangkay para mabatid kung ano ang dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments