Itinalaga ni Braganza si Percival Dalugdog, executive director for field operations and support services ng DAR upang pamunuan ang 6-man team na magsasaayos sa mga gusot at alitan sa pagitan ng manggagawa at mga dating landowners, mga qualified beneficiaries ng mga lupaing patuloy na pinag-aawayan sa nabanggit na lalawigan partikular sa Agueda, Espinos, Fanny at M.J Lacson landholdings.
Binigyan ni Braganza ang naturang grupo ng isang buwan upang maayos ang sistema ng pamamahagi ng lupain sa nabanggit na lugar.
Higit na binigyang prioridad ng DAR ang usapin sa pamamahagi ng lupa sa Negros Occidental dahil sa ito ang may pinakamataas na bilang ng mga lupaing palagiang may problema. (Ulat ni Angie dela Cruz)