Karambola ng tatlong sasakyan: 8 katao patay

LEGAZPI CITY – Walo katao ang iniulat na nasawi, habang sampu pa ang nasugatan sa isa na namang aksidenteng naganap sa may Quirino Highways sa bayan ng Ragay, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, sumalpok ang isang BLTB bus buhat sa Manila sa isang Pajero na sumalpok pa sa isang pampasaherong jeep dakong alas-10 ng gabi.

Dalawa sa lulan ng Pajero ang nasawi, ito ay nakilalang sina Maynard Cosay at Cosme Florita, habang anim naman na pasahero ng jeep ang nasawi, na nakilalang sina Maria Soledad, Igmedio Baldemoro, Tomas Baldemoro, Armando Paglinawan, Romeo Vinas at isa pang pasahero na may apelyidong Diaz.

Karamihan pa rin sa mga sugatan ay pasahero sa jeep at sa Pajero.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa aksidente. (Ulat ni Celso Amo)

Show comments