Mag-asawa niratrat habang naghahapunan, patay

Mapait ang sinapit na kamatayan ng isang mag-asawa makaraang bistayin ng bala habang naghahapunan ng hindi nakikilalang mga armadong suspect sa kanilang tahanan sa Davao del Sur, kamakalawa.

Nakilala ang nasawing mag-asawa na sina Vicente at Josefina Clano, ng Sitio Upper Mabini, Magsaysay ng naturang lalawigan.

Nabatid na dakong alas-7 ng gabi habang masayang naghahapunan ang mag-asawa nang bigla na lamang pasukin ng mga armadong suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang mag-asawa.

Matapos ang isinagawang krimen mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matiyak kung ano ang motibo sa naganap na krimen at kung sino ang mga taong nagsagawa nito. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments