Ayon sa report, dead on the spot si Ramilito De Chavez, alyas Ka Lito, 29, ng Barangay San Pablo, Santo Tomas, Batangas at pinaghihinalaang dating kanang kamay ni Ka Hector Mabilangan ng Banahaw Command.
Base sa ulat ni SPO1 Danilo Macandili, may hawak ng kaso, bandang alas-8 ng umaga ng tambangan ng apat na kalalakihan na may edad mula 20 hanggang 25 si De Chavez at pagbabarilin hanggang mamatay sa may basketball court ng nasabing barangay.
Nabatid sa mga saksi, matapos pagbabarilin ng mga suspect ang biktima, sumigaw pa umano sila ng "Huwag makikialam, mga NPA kami" at naglakad lamang papalayo sa lugar ng pinangyarihan.
Narekober naman ang dalawang basyo ng cal .45 at isang basyo ng cal .9mm ang mga operatiba ng Sto. Tomas police station.
Hindi pa mabatid kung ano ang motibo ng pagpaslang sa biktima samantalang patuloy naman ang pagtugis ng mga pulis sa mga suspect. (Ulat ni Arnell Ozaeta)