"Sorry po sa inyong lahat hindi po namin inaasahan na dudumugin ng mahigit sa 50,000 katao ang proclamation rally, ine-expect lang po namin ay 10,000 pero sumobra sa aming inaasahan kaya nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko" paliwanag ni Bong.
Nagsimula ang okasyon dakong alas 4:00 ng hapon na nagkaroon muna ng torch parade bago tumuloy sa Cavite Coliseum kung saan ginanap ang rally.
Sa naging talumpati naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pangunahing pandangal hiniling nito sa mga Caviteño na iboto ang buong tropa ni Bong na siguradong maninilbihan at tutupad sa mga katungkulan na inatang sa kanila.
"Mas maganda siguro kung kilalanin natin ng lubos si Gov. Revilla para mapatunayan ninyo na walang katotohanan ang mga lumabas na paninira sa pamilya Revilla lalo na kay Bong. Hindi po siya hunyango ginawa lang niya ang tama at nararapat noong Edsa Dos" pahayag ni GMA. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)