Sa ulat na nakarating kay Reyes, ang biktima ay nakilalang si Fourth Class Cadet Edward Domingo na namatay habang dinadala sa PMA Academy Station Hospital dakong alas 11:30 ng gabi noong Sabado.
Sa pagsusuri ni Major Jonathan Manuel, medical officer on duty na ang sanhi ng pagkamatay ni Domingo ay "cardio respiratory arrest" dahil sa umanoy sobrang bugbog na tinamo nito sa solar flexus area.
Base sa ulat ni PMA Superintendent, Major General Manuel Carranza Jr., ang nasawi kasama sina Fourth Class Cadets Burkley at Catbagan ay kapapasa lang sa kanilang final examinations nang ang mga ito ay mautusan na magtungo sa room 322.
Inakala ng tatlong junior cadets na magkakaroon ng selebrasyon sa pagpunta nila sa room 322 na barracks ng mga senior cadets na sina Third Class Cadets John Louie Ong, Willard Aperocho at Omar Labajo, ngunit pagdating doon ay agad umano silang ginulpi.
Ayon sa ulat si Ong ang sumuntok kay Domingo sa bahagi ng solar flexus ng tatlong beses na ikinabagsak at ikinawala ng malay nito.
Agad na nagsagawa si Ong ng cardio pulmonary rescusitation (CPR) kay Domingo subalit walang nangyari kaya ito ay kanyang dinala sa nasabing pagamutan.
Ang kasamahan ni Ong na sina Aperocho, Labajo at isang nakilalang Perang ay inaresto at kasalukuyang nakakulong sa military police stockade ng PMA at agarang sisibakin sa akademya.
Tiniyak naman ni Reyes sa mga kamag-anakan ng biktima na walang mangyayaring whitewash sa pag-iimbestiga sa kaso. (Ulat ni Jhay Mejias)