Ang pakiusap ay ginawa ng balo ni Martin nang dumalaw ang Pangulo sa burol ng nasawing Police C/Insp. sa Sariaya, Quezon kahapon.
Ang pagbisita sa nasawing alagad ng batas ay ginawa ng Presidente nang bumisita siya sa Quezon para sa isang pakikipagdayalogo sa iba’t ibang sektor ng mamamayan at magsagawa ng inspeksiyon sa mga proyektong itinatayo sa lalawigan.
Inaasahang iuutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Samantala, hindi tatalikdan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsusulong ng peace talks ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa hanay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabila ng patuloy na mga pag-atake at paghahasik ng terorismo ng grupo ng mga rebeldeng komunista sa rehiyon ng Southern Tagalog.
Kaugnay nito, labing-isang lalawigan ang ipinailalim kahapon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Suspension of Military o SOMO sa loob ng 30 araw mula Marso 12, 2001 hanggang Abril 12, 2001.
Ang mga lugar na ipinasaklaw sa malawakang SOMO ay Cavite, Batangas, Laguna, Quezon, Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Rizal, Marinduque, Aurora at Romblon.
Ang pagpapatupad ng malawakang SOMO ay inirekomenda ni Defense Secretary Eduardo Ermita para maiwasan ang hindi inaasahang mga engkuwentro ng mga rebeldeng NPA at sundalong militar tulad nang naganap noong madaling araw ng Huwebes na ikinasawi ni Police Chief Inspector Abelardo Martin.
Si Martin ay nakatakda na sanang palayain ng CPP-NPA-NDF pagkaraang mabihag sa loob ng isang taon at kalahati. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)