Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si Rolando Ogana, 41, may-asawa at residente ng Barangay Hondagua, Lopez, Quezon.
Si Ogana ay nadakip ng mga elemento ng 201st Infantry Battalion, Philippine Army habang kinukuha nito ang halagang P1,000 mula sa isang may-ari ng tindahan na di tinukoy ang pangalan.
Sinasabi sa ulat na dakong alas-4:00 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon si Major Benigno Estrada, hepe ng naturang hukbo ng mga sundalo tungkol sa presensya ng isang NPA sa naturang barangay na umanoy nanghihingi ng revolutionary tax.
Hindi na nakapalag ang suspek ng siya ay dakpin ng mga sundalo at doon na rin nalaman na hindi ito totoong miyembro ng NPA.
Sa interogasyon ay sinabi ng suspek na hindi sapat ang perang hawak niya upang ipambili ng pagkain ng kanyang pamilya kung kaya naisip niyang magkunwaring NPA. (Ulat ni Tony Sandoval)