Ito ang naging panawagan ni Bohol Rep. Ernesto Herrera sa mga awtoridad kaugnay na rin sa naging pagpatay sa isang radio commentator sa Pagadian City noong nakalipas na Sabado.
Napapansin ng mambabatas na sa tuwing nalalapit ang halalan ay nagkakaroon ng mga karahasan na kinasasangkutan nang pagpatay sa mga journalist.
"Ilang kandidato na naniniwalang biased o may kinakampihan ang media practitioners ang inilalagay sa kanilang kamay ang batas sa paniniwalang matatakasan nila ang kaso, ani Herrera.
Binanggit pa nito na sa mahabang panahon ay wala pa siyang nabalitaang nahuli at nakulong na suspect sa pagpatay sa isang journalist.
Nauna rito, si Mohammad Yusop, isang commentator ng RXID sa Pagadian City ang pinaslang noong Sabado.
Noon namang nakalipas na taon pinaslang din ang commentator na si Jun Jalapit sa Pagadian City din, subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolbahan ang kanyang kaso. (Ulat ni Marilou Rongalerios)