Samantala, aabot din sa 15 tauhan ng militar ang iniulat na nasugatan sa naganap na labanan sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Patikul na dito naglulungga ang mga ASG na may bihag pa ring isang American at isa pang Pinoy.
Nabatid na ang sagupaan ay naganap matapos na maglunsad ng pagsalakay ang mga tauhan ng militar sa lungga ng ASG nang masagupa ang may 300 mga bandido.
"Matindi ang naging labanan, sinasagupa ng ating tropa ang may 300 mga bandido na armado ng matataas na kalibre ng baril, gayunman hindi alam ng mga rebelde na dumating na ang ating reinforcement na doon marami na sa kanila ang humandusay, ’’ ayon sa isang Army official.
Magugunitang hawak pa rin ng ASG ang American na si Jeffrey Schilling at ang Pinoy na si Roland Ullah. (Ulat ni Joy Cantos)