Ayon sa report ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng hapon noong nakalipas na Linggo, gayunman dakong alas-8 na ng gabi ng makarating sa kanila ang ulat.
Binanggit pa sa ulat na ang naturang bangka ay may lulang 58 katao, kabilang dito ang mga pasahero at crew ay umalis ng Tawi-Tawi patungong Sabah, Malaysia nang walang clearance buhat sa coast guard.
Kaaalis pa lamang nito sa Tawi-Tawi nang salubungin ng mga higanteng alon na nagpataob dito, sampu agad ang iniulat na nasawi, habang lima pa ang nawawala.
Sinabi ni duty officer Danilo Corpuz, ng coast guard na ang mga bangkang-de-motor ay regular na transportasyon na ginagamit patungong Malaysia.
Gayunman, umalis ito sa nabanggit na lugar na hindi humihingi ng clearance sa coast guard.
Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation sa lima pang pasahero na nawawala. (Ulat ni Leo Solinap)