Ayon kay Capt. Ricardo Ellorda, tagapag-salita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army, dinala rin ng mga rebelde na ginawa nilang hostage ang siyam pang sibilyan para gamiting panangga sa mga magrerespondeng tauhan ng militar at pulisya.
Binanggit sa ulat na nang dumating ang mga rebelde sa Sitio Batang Bagras sa Palembang, agad na pinalibutan ng mga ito ang mga bahay ng Manobo at agad na pinaslang ang limang kaanib sa tribu.
Bukod dito, nakuha pang sunugin ng mga rebelde ang mga bahay ng biktima bago tuluyang tumakas dala ang siyam na bihag.
Sinabi pa ni Ellorda na ang naganap na pag-atake ay bilang ganti ng mga rebelde sa pagtanggi ng mga katutubo na magbayad sa kanila ng revolutionary tax. (Ulat ni John Unson)