Ayon kay Capt. Ricardo Ellorda, deputy civil-military relations officer ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na ang labi ng pinaslang na mga guerillas ay aksidenteng natagpuan ng mga tauhan ng militar na nakabaon sa mababaw na hukay sa Barangay Langkong, Matanog.
Binanggit pa ng ilang village officials sa Matanog na posibleng ang siyam na kalansay ng MILF rebels ay kabilang sa 36 MILF guerillas na nilikida ng kanilang mga kasamahan sa hinalang ang mga ito ay espiya ng militar.
Gayunman, may hinala rin ang militar na posibleng ang mga ito ay yaong nasawi sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan makaraang ilunsad ang opensiba laban sa naturang grupo noong nakalipas na taon na naging daan sa pagkabawi sa mga pangunahing kampo ng mga rebelde kabilang ang Camp Abubakar. (Ulat ni John Unson)