Ito ang naging katugunan ni Mayor Augusto Pobeda makaraang magpalabas umano ng isang statement si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos na ang solusyon sa problema sa basura sa Kamaynilaan ay ilagay sa bayang ito na sakop ng ika-tatlong distrito ng lalawigan ng Quezon, at kung hindi rin umano magtatagumpay ang unang plano na i-segregate ang mga basura.
Bagamat wala pang pormal na pakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan ang MMDA na magiging tambakan ng basura ang kanilang bayan ay minabuti ni Pobeda na magtungo kaagad sa tanggapan ni Governor Wilfrido Enverga upang alamin ang ipinahayag ni Abalos.
Sinabi ni Pobeda na marami pang proseso na maaaring pagtuunan bago maaprubahan sa Sangguniang Bayan ang planong ito bukod pa sa may umiiral na batas ngayon sa lalawigan ng Quezon na nagbabawal sa lahat ng lugar na maging tapunan ng basura partikular na kung ito ay manggagaling sa Metro Manila. (Ulat ni Tony Sandoval)