Ito ang inihayag kahapon ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza bilang tugon sa sentimyento ni Mrs. Carina Agarao, asawa ng nasawing biktima na kasalukuyang chairman ng Crusade Against Violence (CAV) hinggil sa umano ay mabagal na pagresolba ng pulisya sa nasabing kaso.
"Nag-offer ako ng P100,000 reward sa sinumang makapagtuturo kay San Juan, ipapalabas pa namin sa mga pahayagan ang kanyang larawan para makatulong sa paghahanap", pahayag ni Mendoza.
Matatandaan na si San Juan ay nakapuslit sa Laguna Provincial Jail noong nakalipas na Enero 21 o isang linggo matapos na maaresto ito ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna na labis na ikinagalit ni Mrs. Agarao kung saan ay pinaghinalaan pa nitong kasabwat ang ilang opisyal sa PNP.
Maging si Mendoza na bagong hirang bilang PNP chief ay pinaghinalaan din nito kasabay nang pagsasabing kumpare umano nito ang utak sa pagpaslang sa kanyang asawa.
Sa panig naman ni Mendoza, iginiit nito na wala siyang kinalaman sa naganap na pagtakas ni San Juan katulad ng ipinaparatang sa kanya ni Mrs. Agarao. (Ulat ni Joy Cantos)