Kabilang sa mga nasawi sa naganap na labanan ang mga lider ng rebelde na sina Kumander Nelson Mesina, alyas Collin/Gideon, ng Concepcion, Tarlac; Kumander Rosy Montero, alyas Bing, ng Sta. Cruz, Zambales at Kumander Edgardo Manuel, alyas Ka Jose, ng Lubao, Pampanga.
Ayon sa ulat, si Mesina ay isang NPA provincial commander sa lalawigan ng Tarlac at Secretary General ng CPP-Tarlac Provincial Party Committee, samantalang si Montero naman ay isang political officer ng CPP sa naturang lalawigan at si Manuel naman ay secretary general ng Northwestern Pampanga District Committee ng Pampanga Provincial Party Committee ng CPP-NPA.
Magugunitang ang tatlong nabanggit kasama ang labing-isa pa nilang mga tauhan ay pawang nasawi sa pakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan kamakailan sa Brgy. San Vicente, Sta. Ignacia, Tarlac.
Nabatid pa sa ulat na si Mesina ay isa sa mga pangunahing suspect sa pagpaslang sa mga prominenteng indibidwal katulad ni Phil. Army Major Leodegario Adalem noong nakaraang taon. Sangkot din ang grupo nito sa pagpaslang kay Macli-ing Dulag, isang Ifugao tribal leader noong 1980. (Ulat ni Jeff Tombado)