Ayon kay ret. resident Ombudsman Gualberto dela Llana, maghaharap siya ng oposisyon sa Commission on Appointments para mahadlangan ang pagkahirang kay Gordon bilang DOT secretary.
Inakusahan ni dela Llana si Gordon ng mga kasong malversation of public funds at tatlong counts ng illegal disbursement of public funds sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang SBMA chairman.
Napilitan umano siyang ibunyag ito matapos na mapalathala ang pagkakatalaga kay Gordon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.