Inamin din ito ni COA Provincial Auditor Agaton Dacayanan sa mga media, kasabay nang pagsasabing may ginagawang imbestigasyon ang kanyang tanggapan upang alamin kung papaano nawala ang naturang halaga na nakatago sa cash-vault ng Pidigan.
Nabatid sa isang miyembro ng investigating team na nadiskubre lamang na nawawala ang naturang halaga nang buksan ang kaha para mag-audit. Nabatid na ang naturang pera ay nasa kaban ng bayan bago pa man magtapos ang taon at ngayon na lamang pagpasok ng panibagong taon nadiskubre.
Sinabi ni Dacayanan na normal lamang daw ang kanilang ginagawang pag-aaudit at hindi sinasadya na nakitang walang laman ang kaha. (Ulat ni Myds Supnad)