'Amnesty' para kay Gobernor Chavit

VIGAN, Ilocos Sur - Kasalukuyang binabalak ng Senado na magpasa ng isang resolusyon na magbibigay ng amnesty kay Governor Luis "Chavit’ Singson at iba pa nitong kasamahan na tumestigo laban kay ex-president Joseph Estrada sa nakalipas na impeachment trial.

Ito ang nabatid kahapon sa ulat nina Sen. Rene Cayetano at Loren Legarda-Leviste sa mga residente ng naturang lalawigan dahil sa ipinakitang katapangan ni Chavit na ibulgar ang sariling kaibigan at kainuman sa Malacañang.

Ikinatuwa naman ng mga kaalyado ni Chavit at taga-Ilocos Sur ang nasabing balakin ng Senado. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments