6 MILF rebels patay sa engkuwentro

Anim na miyembro ng MILF ang iniulat na nasawi matapos na makipag-sagupaan sa tropa ng pamahalaan sa Palimbang, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan ng nasawing rebeldeng MILF. Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng combat at clearing operation ang mga elemento ng 75th Infantry Battalion ng Army dakong alas-4:30 ng umaga sa may bisinidad ng Sitio Tiploway, Barangay Mina sa nasabing bayan nang makasagupa ng mga ito ang mga armadong MILF rebels.

Matapos ang ilang minutong sagupaan ay bumulagta ang anim na rebelde na iniwan naman ng nagsitakas nilang kasamahan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments