Sinabi ni DSWD Undersecretary Ma. Felicidad Villareal, extended ang trabaho ng mga tauhan sa Bicolandia para agad na makatugon sa anumang emergency kaugnay ng posibleng kaganapan na may kinalaman sa bulkang Mayon.
Mayroon na umanong nakahandang mga ready-to-eat foods at mga non food items para sa mga posibleng maapektuhan ng sinasabing napipintong muling pagsabog ng bulkan.
Sa kasalukuyan, isang grupo ng mga eksperto ang nasa paligid ng bulkan para pag-aralan ang bagong kaganapan ng pag-aalburoto ng bulkan. (Ulat ni Angie dela Cruz)