Ayon kay Dr. Sarah Vasquez, city health officer na simula noong Nobyembre ng nakalipas na taon at sa unang linggo ng taong kasalukuyan ay 33 kaso ng dengue ang naitala sa mga pagamutan sa lunsod.
Napag-alaman na 16 sa 70 barangay sa lunhsod ang may mahinang sanitasyon kahit na patuloy ang isinasagawang information drive ng mga opisyal ng city health.
Sinabi ni Vasquez na nagpalabas na sila ng isang surveillance team na mahigpit na magbabantay at magsasagawa ng mga preventive measures para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit sa iba pang lugar. (Ulat ni Ed Casulla)