Sumukong 800 MILF hindi peke

‘‘Hindi kami nag-rerecycle ng mga surrenderees.’’

Ito ang seryosong reaksiyon kahapon ni Armed Forces of the Phil. (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes bilang tugon sa paratang ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Spokesman Eid Kabalu na pawang recycle o di kaya naman ay peke ang may 800 MILF rebels na sumuko sa pamahalaan sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kasabay nito, nailing na pinagtawanan lamang ni Reyes ang bintang ni Kabalu na hinihinala ng militar na maaring ‘‘psywar’’ lamang ng MILF dahilan sa sobrang pagkataranta sa pagkalagas ng malaking bahagi ng kanilang puwersa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments