Batay sa ulat na nakalap ng PNP, mas malaki ang angkatan ng droga tuwing papasok ang panahon ng Kapaskuhan at tuwing panahon ng bakasyon kung saan ay tila maluwag sa pera ang mga tao. Bunga nito, pinaigting ng PNP-Shabu Watch Teams sa mga baybaying-dagat na karaniwang ginagawang entry point ng mga big-time drug smugglers sa bansa. Ayon kay PNP-National Drug Law Enforcement and Prevention (NDLEP) Center executive director Deputy Director Jewel Canson, ang shabu watch teams ay binuo para tuluyang maharang ang ilegal na transaksyon ng mga international drug syndicates.
Base sa rekord ng NDLEP, simula nang itatag ang Shabu Watch Teams noong 1999 ay nadakip ang apat na Instik sa aktong pagpupuslit ng may 429 kilo ng shabu lulan ng isang sasakyang pandagat sa lalawigan ng Pangasinan. (Ulat ni Joy Cantos)