Nakilala ang mga nadakip na pugante na sina Alano Paterter, 16; Christopher Ramirez, 14 at Arnold Flordilez, 17, residente ng nabanggit na barangay.
Batay sa ulat ng pulisya naganap ang pagtakas ng mga bilanggo dakong alas- 2 ng madaling araw noong kapaskuhan ng ang mga ito ay bigla na lamang lumusot sa kanilang guwardiya habang nagkakaroon ng kasayahan sa nabanggit na piitan.
Nabatid na dakong alas-4 ng umaga kinabukasan ng malamang nawawala ang tatlo.
Matapos mabatid na nakatakas ang tatlo ay agad na nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad. Makalipas ang walong oras ng operasyon ay natunton ng mga tauhan ng pulisya ang tatlong pugante sa kani-kanilang pinagtaguan. Hindi naman nanlaban pa ang mga ito.
Ayon sa mga pugante napilitan lamang silang pumuslit sa kulungan sa pagnanais na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa kapaskuhan. (Ulat ni Ed Casulla)