Dalaga na iniwanan ng nobyo uminom ng asido, todas

CATANAWAN, Quezon – Isang 27-anyos na dalaga ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng asido matapos na ito ay iwanan ng kanyang boyfriend, kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayang ito.

Ang nasawi ay nakilalang si Analisa Gonzales, residente ng naturang barangay.

Sinabi sa ulat ng pulisya na bago isagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay ilang araw na itong kinakitaan ng kanyang pamilya ng pagkaaburido. Labis umanong dinamdam ng biktima ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang kasintahan na sumama sa ibang babae. Minsan na umanong binanggit ni Analisa na mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa mawala ng tuluyan ang kanyang minamahal.

Dakong alas-10 ng umaga ng madiskubre ang labi ng biktima na nakahiga sa katre at bumubula ang bibig hawak ang isang botelya ng muriatic acid. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments