Kuya tinodas ng utol

TIGAON, Camarines Sur – Dahil sa nagising sa pagbulahaw ng kanyang nakakatandang kapatid nagalit ito at sinaksak at napatay niya kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Ricardo Pascua, 46, may-asawa, obrero at residente ng Sitio Isidro, Barangay Abu na agad namatay dahil sa dami ng saksak na tinamo sa katawan.

Samantala ang suspek na mabilis na tumakas ay ang nakakabatang kapatid nitong si Marcelo, 31, may-asawa, obrero at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas 10:00 ng gabi ay lasing na nagtungo sa bahay ng suspek ang biktima at sinisigawan ang kapatid niya na gumising dahil sa may sasabihin itong mahalagang bagay.

Naalimpungatan ang suspek kaya sa galit nito ay kumuha ng patalim at binaba ang kapatid sabay inundayan ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos ay mabilis na tumakas ito dala ang patalim. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments