Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isa lamang sa limang mga rebeldeng nasawi ang nakilala sa pangalang Ka Glen.
Batay sa ulat, si Ka Glen ay nasawi matapos maengkuwentro ang pulisya ng Bato Municipal Police Station sa Bgy. Payak, Bato, Camarines Sur bandang alas-11:45 ng gabi at dalawa pang hindi nakikilalang kasamahan ni Ka Glen ang nasawi.
Samantala, sa Agusan del Norte, dakong alas-5:30 ng hapon nang makaengkuwentro ng mga miyembro ng Agusan del Norte Police Provincial Office (PPO) ang may 10 rebeldeng komunista sa Bgy. Sanghan, Cabadbaran, nasawi ang dalawa pang hindi nakikilalang mga rebelde.
Patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng mga awtoridad laban sa mga rebelde. (Ulat ni Jhay Mejias)