MILF ambush: Ginang dedo, 2 pa sugatan

Isang ginang ang kumpirmadong nasawi, habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang paulanan ng punglo ng mga pinaghihinalaang mga rebeldeng MILF ang kinalululanan nilang tricycle sa Pikit, Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Victoria Gornez na napuruhan ng mga tama ng bala sa katawan. Kinilala naman ang dalawang grabeng nasugatan na sina Marlon, asawa ng nasawi at kamag-anak na si Diomedez.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang tinatahak ng mga biktima lulan ng isang tricycle ang kahabaan ng Barangay Ginatilan, Pikit ng biglang sumulpot ang mga rebeldeng MILF.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ng mga suspect ang sinasakyan ng mga biktima. Agad na napuruhan ang ginang na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments