Ayon kay Major Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army (PA) na unang namataan ng mga sundalo at militiamen na nagbabantay sa outpost sa Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen ang mga rebelde na nagmamartsa patungo sa isang village para mangolekta ng buwis sa mga mamamayan.
Ayon sa ulat, nakumpirmang bumaba ng kabundukan ang mga rebelde para kumolekta ng pagkain at mga alagang hayop sa mga magsasaka sa naturang village.
Binanggit pa ni Col. Hermogenes Esperon, commander ng 602nd Brigade ng Army na nakabase sa Carmen na layunin ng mga rebelde na atakihin ang mga magsasaka sa naturang lugar para ipahiya ang tropa ng pamahalaan bilang ganti naman sa ginawa ng mga itong pag-capture sa siyam na MILF camps sa North Cotabato. (Ulat ni John Unson)