Ayon kay Regional Trial Court Branch 60 Judge Stephen Cruz na siyang may hawak ng kaso ng tumakas na mga preso, mapipilitan siyang ipag-utos ang ‘shoot to kill’ sa mga pumugang preso dahil mapanganib kung ang mga ito ay patuloy na nakagagala.
Nauna rito ay inatasan na rin ni Quezon Gov. Wilfrido Enverga ang mga awtoridad na pag-ibayuhin ang pagtugis sa mga preso upang hindi makapaghatid ng takot sa mga mamamayan sa lalawigan.
Magugunita na sinamantala ng 15 bilanggo sa Quezon Provincial Jail ang kasagsagan nang pananalanta ng bagyong ‘Seniang ‘ para makatakas sa pamamagitan nang paglagare sa rehas na bakal at pag-akyat sa bakod sa pamamagitan nang pinagdugtong-dugtong na kumot.
Dalawa lamang sa mga tumakas ang nadakip ng mga awtoridad, ito ay sina Romeo Guttierez at Elino Lantin Jr.
Ang mga hinahanap pang preso ay may kinakaharap na kaso ng murder, homicide, rape with homicide at qualified theft. (Ulat ni Tony Sandoval)