Gayunman, kasalukuyan pa ring bineberipika ng tropa ng pamahalaan ang mga pangalan ng napaslang na mga bandido.
Isa ring sundalo na di pa tinukoy ang pangalan ang nasugatan at sa rekord ng militar ay umaabot na sa 28 ang kabuuang bilang ng mga sundalong nasugatan simula ng maglunsad ng military offensive noong nakalipas na Setyembre 16 habang siyam pa sa tropang gobyerno ang nasawi.
Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, dakong alas-9:30 ng umaga habang nagsasagawa ng operasyon ang mga operatiba ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army nang masabat ang may 30 Abu Sayyaf guerillas sa bisinidad ng Mt. Tumatangis, Indanan sa naturang lalawigan.
Agad sumiklab ang umaatikabong pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit isa at kalahating oras na nagresulta sa pagkakapaslang ng 12 tauhan ng ASG.
Mabilis na umatras sa sagupaan ang mga bandido matapos na madehado ang mga ito sa labanan sa higit na malakas na puwersa ng tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)