Bukod sa natanggal ang ulo, nagtamo ng anim na sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktimang si Teodoro Datoy, 61, biyudo, nakatira sa may Purok 4, Barangay Don Francisco, Butuan City.
Samantalang ang suspek ay nakilalang si Antonio Aguelles, 53, may-asawa at kapitbahay ng biktima na mabilis namang tumakas at pinaghahanap ng pulisya.
Ayon sa mga saksi, nagkaroon nang matinding pagtatalo ang dalawa dakong alas-7:05 sa isang punong niyog na nakatayo sa may boundary ng kanilang mga lupang sinasaka.
Nagkainitan ang pagtatalo dahil inaangkin ng isa sa kanila ang may-ari nito na humantong sa bunutan at tagaan ng mga itak na ikinamatay ng nakatatandang si Datoy. (Ulat ni Ben Serrano)