Paslit na dadalaw sa sementeryo, grabe sa bundol ng trike

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang batang lalaki ang nasa malubhang kalagayan matapos itong mabundol ng isang tricycle habang tumatawid sa kahabaan ng Indang-Trece Road, Barangay Luciano ng lungsod na ito para magtungo sa public cemetery at dalawin ang kanyang mahal sa buhay kahapon ng umaga.

Ang biktima na kinilala ni Police Superintendent Maximo Villa, hepe ng pulisya rito na si Quintin Sta. Ana, 11 taong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar at ginagamot sa University Medical Center.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Melvin Presa, may hawak ng kaso, dakong alas-9:30 ng umaga ay sabik na sabik umanong nagtungo ang biktima sa sementeryo.

Subalit sa sobrang pagmamadali ay hindi nito nakita ang isang tricycle na minamaneho ni Roderick Begi, kaya’t ito ay nabundol, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek matapos ang insidente. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments