Halos magwala sa galit ang pamilya ng biktima na itinago sa pangalang "Nene", estudyante, matapos malaman ng magulang at kapatid na ang kanilang pinagkakatiwalaan at itinuring na kapamilya ang wawasak sa kinabukasan ng biktima na dalawang beses na pinagsamantalahan ng suspek na nakilalang si Ferdinand Delos Santos, 23, graduating student ng La Consolacion College of Daet at isang SK chairman ng nasabing barangay.
Batay sa salaysay ng biktima, noong Setyembre 12, 2000 bandang alas-8 ng gabi, dumating ang suspek sa boarding house ng biktima (ka-board mate ng suspek) na matatagpuan sa Taft Ilaod St., Daet.
Napag-alaman na lasing ang suspek ng pumasok sa kuwarto ng biktima upang ibigay nito ang padalang allowance ng magulang.
Dahil sa nag-iisa ang biktima sa loob ng kuwarto ay biglang dinampot nito ang isang kitchen knife at mabilis na tinutukan ang biktima.
Hindi nakapalag ang biktima dahil sa takot kayat naisakatuparan nito ang panghahalay.
Kamakalawa ng hapon, bandang alas-2 ay kampanteng naglalakad ang suspek patungo sa kanilang paaralan ng biglang damputin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ramon Arejola ng Daet Municipal Trial Court.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa BJMP Daet District Jail at walang inirekomendang piyansa ang hukuman. (Ulat ni Francis Elevado)