Nakilala ang mga nasawi na sina Risanto Reyes, 30; Eduardo Nerie, 30; isang alyas Eddie; Eduardo Anastacio, 31 at isa pang hindi nakikilalang babae na pawang mga residente ng Sta. Maria, Bulacan.
Kasalukuyang hindi pa narerekober ang mga bangkay sa tinatayang 150 talampakang lalim ng bangin dahil sa pagkakalubog ng mga katawan nito sa makapal na putik.
Kapwa nasugatan naman sa insidente sina Francisco dela Peña, 46, driver ng truck, residente ng Sulkan St., Bagbagin, Sta. Maria, Bulacan at si Nicolas Bragain, 31.
Nabatid na nakatalon mula sa dumptruck (UPU-797) na pag-aari ng Alray Trucking ang dalawa bago tuluyang mahulog sa bangin.
Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng trak ang kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Sapinit, Brgy. Inarawan patungo sa Sa Mateo Landfill dakong alas-2 ng madaling araw.
Hinihinala ng pulisya na maaaring nagbibiruan sa loob ang mga sakay nito sanhi upang biglang bumilis ang takbo ng truck at dumiretsong pabulusok sa bangin.
Nabatid din na tumusok ang unahan ng truck sa malambot na lupa sa ilalim ng bangin na sanhi naman ng pag-ulan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ngayon ng rescue operation ang mga tauhan ng Antipolo police katuwang ang Marikina Rescue 161 upang maiahon ang mga bangkay ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)