Kinilala ang suspek na si Charlie Ramos, 38, sakristan ng Pag-asa Parish Church, tubong Nasugbu, Batangas at pansamantalang nanunuluyan sa isang lugar sa Parañaque City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay sangkot umano sa pagnanakaw ng gintong korona ng Birheng Maria at koleksiyon na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa Pag-asa Parish Church na matatagpuan sa Brgy. Bahayang Pag-Asa, Molino, Bacoor, Cavite.
Dakong alas-10 ng umaga ay nag-apply ng trabaho si Ramos sa tanggapan ng Paranãque City Hall.
Subalit nadiskubre ng Personnel Division na ang pangalan ni Ramos ay nakalagay sa mga wanted person.
Kayat agad itong pinigil ng mga kawani ng Parañaque City Hall at pinahuli sa pulisya.
Dahil na rin sa reklamo ng kura paroko kayat ang litrato at pangalan ng suspek ay inilagay sa mga wanted person. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Cristina Go-Timbang)