Namatay noon din mula sa tinamong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Salome Terrones at Martin Layuhan.
Batay sa report, dakong alas-10 ng gabi nang harangin ang mga biktima habang naglalakad ang mga ito sa bisinidad ng Brgy. San Antonio ng nasabing munisipalidad.
Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang mga biktima sa kabila ng pagmamakaawa ng mga ito.
Bago umano naganap ang insidente ay nakatanggap ng death threats ang dalawang biktima mula sa grupo ng mga rebeldeng komunista na nagalit dahilan sa aktibong pagbibigay ng mga ito ng impormasyon sa mga operatiba ng militar at pulisya kaugnay na rin ng pinaigting na insurgency campaign ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)