Ang misyon na pinamumunuan ni Indonesian Foreign Minister Alwi Shihab ay narito ngayon sa bansa para alamin kung ano nang progreso ang naisakatuparan ng gobyerno para sa kapakanan ng Timog Pilipinas.
Sa pagbibigay galang ng grupo sa Pangulong Estrada sa Malakanyang, sinabi ni Shihab na nasiyahan sila at nabigyan ng inspirasyon sa briefing ng mga opisyal hinggil sa implementasyon ng 1996 peace agreement sa MNLF.
Ayon kay Shihab, nagalak siya sa sinabi ng Pangulo na ang pamahalaan ay naghahangad nang pangmatagalang panahong kapayapaan sa Mindanao. (Ulat ni Lilia Tolentino)